Halos 400 pang OFWs mula Malaysia at Saudi Arabia, dumating sa bansa

Dumating sa bansa kahapon ang halos 400 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Malaysia at Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 212 na distressed OFW ang dumating galing Saudi Arabia.

Habang mayroon namang 178 na OFW galing Malaysia ang nakauwi matapos asikasuhin ng employer nila ang kanilang repatriation dahil sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya.

Ang lahat ng umuwing OFW ay sasailalim sa 14 day mandatory quarantine.

 

 

 

Read more...