Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 293

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Martes, June 2) , nasa 293 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 7 ang bagong bilang ng nadagdag habang 135 ang active cases.

70 naman ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 498.

Samantala, nasa 52 ang bilang ng probable habang nasa 744 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...