South Ubian, Tawi-Tawi niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Tawi-Tawi.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 320 kilometers southeast ng bayan ng South Ubian, alas-12:37 madaling araw ng Miyerkules (June 3).

May lalim na 31 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...