‘Unawain na lamang si Pacquiao’-Bishop Bacani

Inquirer file photo/AP

Umaapela si Novaliches Bishop Teodoro Bacani sa publiko na unawain na lamang si pambansang kamao Manny Pacquiao matapos ang kontrobersiyal na pahayag nito sa same sex marriage.

Payo pa ni Bacani sa mga lesbian, gay, bisexual and transgender o LGBT community na unawain ng mabuti ang pagpapakahulugan ni Pacquiao sa binitawan nitong komento.

Paliwanag ni Bacani, maaring binibigyan lamang ng contrast o pagkakaiba ni Pacquiao ang naging pahayag.

Maaring hindi intensyon ni Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang pakikipagrelasyon sa kaparehong kasarian, kundi baka binibigyang punto lamang niya na hindi ito dapat tularan.

Nanindigan din si Bacani na kailanman ay hindi hinuhusgahan ng simbahan ang mga LGBT, kundi itinatama lamang ang kanilang maling ginagawa.

Samantala, maging si Mommy Dionisia o ‘Mommy D’ na ina ni Pacquiao ay humingi na rin ng paumanhin sa mga naapektuhan ng komento ng kanyang anak.

Nanawagan din sa publiko na itigil na ang pagbanat sa kanyang anak sa social media.

Read more...