COVID-19 cases sa Maynila, umakyat na sa 1,472; 29 ang nadagdag

Karagdagang 29 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (June 2), umakyat na sa 1,472 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 945 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 269 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 120 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 144 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,362 ang suspected cases.

Umabot naman sa 424 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang nananatili sa 103 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...