Heat index sa Ambulong, Tanauan City pumalo sa 54 degrees Celsius, June 2

By Angellic Jordan June 02, 2020 - 09:14 PM

Matinding init at alinsangang panahon ang naramdaman sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, limang synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Martes (June 2).

Pumalo sa 54 degrees Celsius ang heat index sa Ambulong, Tanauan City bandang 11:00 ng umaga.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Dagupan City – 49 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Science City of Muñoz – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Sangley Point, Cavite City – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Tuguegarao City – 45 degrees Celsius bandang 5:00 ng hapon

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.

Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update June 2, heat index, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update June 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.