Pamimigay ng cash aid sa 11,000 graduating students sa Las Piñas City, sisimulan na
Sisimulan na ang pamimigay ng tulong-pinansiyal sa mga graduating student sa lungsod.
Ayon sa Las Piñas City government, naiturn-over na kay Officer-in-Charge Schools Division Superintendent Dr. Joel Torrecampo ang P11 milyong pisong cash assistance na donasyon ni dating Mayor Vergel “ Nene” Aguilar.
Magbebenepisyo rito ang 11,000 graduating students sa Public Elementary, Public Senior High School at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College of Las Piñas (DFCAMCLP) para sa school year 2019-2020.
Sisimulan ang pamamahagi ng cash aid sa Huwebes, June 4.
Para sa may katanungan, sinabi ng Las Piñas City government na makipag-ugnayan sa mga class adviser.
Sa DFCAM graduates naman, maaaring bisitahin ang kanilang official Facebook page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.