Dahil sa mga pag-ulan sa Metro Manila na dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Egay, nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang ilang alkalde sa Metro Manila.
Sinuspinde ni Pateros Mayor Joey Medina ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at mga pribadong paaralan sa Pateros dahil sa naranasang magdamag na pag-ulan.
Sa Malabon naman, sinuspinde ni Mayor Lenlen Oreta ang klase mula Pre-school hanggang High School sa public at private.
Sa mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal number 1 ay iiral ang automatic suspension para sa mga Pre-school level, habang hanggang high school naman ang suspensyon para sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm warning signal number 2.
Nagpalabas din ng kalatas ng suspensyon ng klase sa all levels ang lalawigan ng Benguet, Ilocos Sur, San Fernando City, La Union at Bauang La Union. Pre-school hanggang high school naman ang suspensyon sa Alaminos Pangasinan.
Si Cavite Gov. Jonvic Remulla ay nagsuspinde na rin ng klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Cavite.
Sa Baguio City, inanunsyo rin ni Mayor Mauricio Domogan ang suspensyon ng klase.
Samantala, ang University of Sto. Tomas ay nag-naunsyo ng suspensyon ng klase sa kanilang St. Raymund de Peñafort Building o ang AB/Commerce Bldg. dahil sa sunog na naganap sa gusali kagabi.
Narito ang listahan ng mga suspensyon ng klase as of 11:15AM ngayong araw, July 6, 2015:
All levels:
Makati City
Manila (including City Hall Employees, except for the employees of Disaster Management Office)
Pateros
San Juan
Taytay
Cainta
Benguet
Ilocos Sur
San Fernando City, La Union
Bauang, La Union
Agoo, La Union
Baguio City
Abra
Cavite
Pre-school hanggang High School:
Pasig
Quezon City
Malabon
Valenzuela City
Navotas
Pasay City
Marikina City
Mandaluyong City
Las Pinas City
Caloocan City
Muntinlupa City
paranaque City
Rodriguez Rizal
Olongapo City
Alaminos, Pangasinan
Lemery, Batangas
Calatagan, Batangas
Calaca, Batangas
Balayan, Batangas
Individual Suspension:
PUP suspends classes in Metro Manila Campuses today due to inclement weather
Letran Manila – classes in the Basic Education are up to 12nn only
University of Caloocan
UST (classes and office work)
City of Malabon University (CMU)
City of Malabon Polytechnic Institute
Subaybayan ang updated list ng mga lugar na walang pasok dito sa radyo.inquirer. net at makinig sa Radyo Inquirer 990khz./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.