Mga Pinoy sa Libya, pinag-iingat bunsod ng kaguluhan

By Angellic Jordan June 02, 2020 - 03:21 PM

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Libya ang mga Filipino dahil sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa embahada, limang sibilyan ang namatay habang 12 ang sugatan makaraang tamaan ng rocket ang isang parke sa bahagi ng Gorji Road.

Napaulat din ang artillery strikes sa bahagi ng Qasr Bin Gashir at ilang lugar malapit sa Tripoli International Airport.

Dahil dito, inabisuhan ng embahada ang mga Filipino sa Qasr Bin Gashir at Esbea lalo na sa Al Afia Clinic, Ali Omar Askar Hospital at Al Nahr Company na pansamantalang lumikas sa lalong madaling panahon.

Nanawagan din ang embahada sa Filipino community sa Tripoli na maging maingat para masiguro ang kaligtasan.

Sakaling mangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa numero ng embahada na +218 94 454 1283 at +218 91 824 4208.

TAGS: Inquirer News, Philippine Embassy sa Libya, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Philippine Embassy sa Libya, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.