PAL, bibili ng 6 na bagong eroplano

 

Bibili ng mga bagong eroplano ang flag carrier ng bansa na Philippine Airlines.

Nagkasundo na ang PAL at kumpanyang Airbus sa pagbili ng anim na karagdagang mga Airbus jets na nagkakahalaga ng 1.8 bilyong bolyar.

Ang mga bagong eroplano na magiging bahagi ng fleet ng PAL ay idaragdag sa mga byaheng lumilipad sa pagitan ng Pilipinas at mga destinasyon sa Estados Unidos.

Idedeliver ang anim na Airbus A350-900 sa loob ng dalawang taon at bibiyahe non-stop sa mga desitnasyon sa Amerika.

Bukod dito, sa ilalim ng papasuking kontrata sa pagitan ng dalawang kumpanya, may opsyon din na bumili ang PAL ng karagdagang anim pang bagong eroplano sa mga susunod na taon.

Umaasa din ng PAL na sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga eroplano, magbubukas pa ito ng pintuan para sa posibilidad ng karagdagang byahe patungong Europa.

Sa pamamagitan ng karagdagang eroplano, inaasahang milyun-milyon Pinoy ang makikinabang sa mga karagdagang byahe patungong US.

Read more...