Ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan June 02, 2020 - 01:59 PM

Makakaranas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory hanggang 12:52 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Laguna at Batangas.

Mararamdaman din ang pag-ulan sa Zambales partikulat sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba at Botolan; Cavite sa Maragondon at Ternate.

Ayon sa PAGASA, mararamdaman ang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa naturang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update June 2, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update June 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.