PLM nagbigay ng palugit para sa pagbabayad ng kulang sa tuition at iba pang bayarin
Nagbigay ng isang taon na palugit ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa mga magulang para i-settle ang hindi pa nababayarang tuition at iba pang bayarin ng kanilang mga anak sa second semester ng Academic Year 2019-2020.
Inaprubahan ito ng PLM Board of Regents sa isinagawang pagpupulong, kung saan ang mga estudyante na mayroong unpaid university fees ay papayagan pa ring makapag-enroll sa first semester ng Academic Year 2020-2021.
Mayroon silang isang taon para i-settle ang mga hindi pa nababayarang fees.
Ayon kay University President Emmanuel Leyco, lahat ay apektado ng COVID-19 pandemic kaya nais nilang kahit papaano ay pagaanin ang sitwasyon ng mga mag-aaral at kanilang pamilya.
Samantala, magpapatupad ng blended learning strategies sa paaralan para sa susunod na school year.
Isasailalim sa pagsasanay ang PLM faculty sa paggamit ng bagong teknolohiya upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante gamit ang virtual channels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.