Health worker sa Baguio City nagpositibo sa COVID-19

Isang health worker ang pang-35 kaso kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Kinumpirma ni Mayor Benjamin Magalong at City Health Officer Dr. Rowena Galpo na isa pang kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa lungsod.

Ito ay isang 38 anyos na lalaking nurse sa Baguio General Hospital and Medical Center at residente ng South Central Aurora Hill.

Naka-admit ngayon sa BGHMC isolation facility ang pasyente at nagsasagawa na ng tracing sa kaniyang mga nakasalamuha.

Sa ngayon ang Baguio City ay mayroon nang 35 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 5 ang aktibong kaso, 29 ang naka-recover na at 1 ang nasawi.

 

 

 

Read more...