Pagtitiyak ng senador, may sapat na proteksyon ang nakasaad sa batas para sa mga pangamba o agam-agam na magamit ang batas ng gobyerno laban sa mga kritiko.
Diin ni Lacson ang lahat ng mga isyu mula sa mga progresibong grupo, kasama na ang sa human rights advocates ay natalakay sa ikinasang mga pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on National Defense and Security, gayundin sa mga debate at interpelasyon nilang mga senador sa plenaryo.
Banggit pa nito may ilan din kritiko ang binigyan pagkakataon na maisaayos ang panukalang batas.
Hiling lang niya basahin at intindihin muna mabuti ng mga bumabatikos ang panukalangang-batas.
Hinihintay na lang na aprubahan sa Mababang Kapulungan ang panukala, para maibalik ito muli sa Senado at maisumite na sa Malakanyang para aprubahan ni Pangulong Duterte.