Sen. Ping Lacson dinipensahan ang bagong anti-terror bill

By Jan Escosio June 02, 2020 - 11:35 AM

Binuweltahan ni Senator Panfilo Lacson ang mga bumabatikos sa Anti-Terror Bill na naaprubahan sa Senado dahil sa kanyang pagpupursige.

Pagtitiyak ng senador, may sapat na proteksyon ang nakasaad sa batas para sa mga pangamba o agam-agam na magamit ang batas ng gobyerno laban sa mga kritiko.

Diin ni Lacson ang lahat ng mga isyu mula sa mga progresibong grupo, kasama na ang sa human rights advocates ay natalakay sa ikinasang mga pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on National Defense and Security, gayundin sa mga debate at interpelasyon nilang mga senador sa plenaryo.

Banggit pa nito may ilan din kritiko ang binigyan pagkakataon na maisaayos ang panukalang batas.

Hiling lang niya basahin at intindihin muna mabuti ng mga bumabatikos ang panukalangang-batas.

Hinihintay na lang na aprubahan sa Mababang Kapulungan ang panukala, para maibalik ito muli sa Senado at maisumite na sa Malakanyang para aprubahan ni Pangulong Duterte.

 

 

 

 

TAGS: Anti-terrorism bill, Committee on National Defense and Security, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Tagalog breaking news, tagalog news website, Anti-terrorism bill, Committee on National Defense and Security, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.