25 pang Pinoy sa Malaysia nagpapagaling sa COVID-19

Mayroon pang 25 Filipino ang nagpapagaling sa COVID-19 sa Malaysia.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Ambassador Charles C. Jose, ng Philippine Embassy sa Malaysia, umabot na sa 123 na Pinoy ang nagpositibo sa sakit.

Sa nasabing bilang, 98 ang nakalabas na ng pagamutan at 25 pa ang nagpapagaling.

Sinabi ni Jose na mayroong 900,000 Filipino sa Malaysia at malaking bilang nito o 600,000 ay pawang undocumented.

Karamihan aniya sa 600,000 ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemic ng COVID-19.

Ani Charles tatlong batch na ng mga Pinoy na na-stranded sa Malaysia ang napauwi ng Pilipinas.

Nananatili ang movement control order sa Malaysia na nagsimula noong March 18 at nakatakda itong ma-lift sa June 9.

 

 

 

Read more...