Stimulus Bill aprubado na sa 2nd reading ng Kamara
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara P1.3 Trillion na Stimulus Bill.
Layon ng panukalang matugunan ang epekto sa ekonomiya ng pandemic ng COVID-19.
Ang House Bill 6815 o Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) Act ay isinulat nina Representatives Sharon Garin, Stella Quimbo, Joey Salceda at 263 na iba pang mambabatas.
Sa ilalim ng economic stimulus package bill bibigyang proteksyon at tulong ang aabot sa 15.7 million na manggagawa, lilikha ng 3 million short-term jobs at 1.5 million infrastructure sa susunod na tatlong taon.
Tutulungan din ang nasa 5.57 million na micro, small, at medium enterprises.
Maglalaan din ng P10 billion para sa mass testing program ngayong 2020 at dagdag pang P10 billion para sa 2021.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.