UAE, hindi kasali sa pagbabawas ng oil production

 

Tumanggi ang energy minister ng United Arab Emirates na talakayin ang isyu na may kaugnayan sa bumababang presyo ng krudo.

Lumabas kasi ang ulat hinggil sa pagkakasundo ng apat na oil-producing countries sa isang pagpupulong na bawasan ang kanilang produksyon ng langis para ma-stabilize ang pandaigdigang presyo ng langis.

Ayon kay Minister Suhail Mohamed al-Mazrouei, maaring may kinalaman ang kompetisyon sa rehiyon kung bakit hindi sila isinama sa biglaang pulong na naganap sa Doha, Qatar noong Martes.

Ang nasabing apat na bansa kasi ay binubuo lamang ng Russia, Saudi Arabia, Qatar at Venezuela, ngunit walang Emirati official na naimbitahan o kasama sa pulong.

Dito na nag-kasundong pumayag ang apat sa panukalang oil production cap, kung papayag ang ibang producers.

Gayunman, ang panukalang napag-usapan naman sa Qatar ay hindi pa rin nakapagbibigay ng katiyakan kung makakatulong ito sa pag-kontrol ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Read more...