ABS-CBN Stars dumipensa kay Coco Martin

By Dona Dominguez-Cargullo June 02, 2020 - 09:48 AM

Tulad ng inaasahan pinanigan ang aktor na si Coco Martin ng kanyang mga kapwa artista sa ABS-CBN.

Ito ay kasunod ng buwelta sa ni Solicitor General Jose Calida sa actor sa pagdinig ng kamara sa prangkisa ng media network.

Hindi pa muling nagsasalita ang pangunahing aktor ng ‘Ang Probinsiyano’ tungkol sa mga patama sa kanya ni Calida.

Unang dumipensa sa aktor ay si Yassi Pressman, ang love team niya sa telenovela, at ayon sa aktres malinis ang hangarin at pagkatao ni Coco.

At para hindi maligaw ang mamamayan aniya sa tunay na isyu ay dapat unawain na lang ang kanyang screen partner.

Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at ‘yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga ‘kapamilya’ niya. Kami po iyon… Mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod. Mga pamilya po niya,” pakiusap ni Pressman.

Matatandaan na naging sobrang emosyonal si Coco nang magsara ang ABS-CBN at ipinaliwanag nito ang magiging katayuan ng higit 500 niyang katrabaho sa ‘Ang Probinsiyano.’

Itinuro nito si Calida na may kamay sa pangyayari.

Una na rin ipinagtanggol si Coco ni kapamilya actress Angel Locsin sa pagsasabing ang anuman nailabas ng aktor ay kanyang personal na damdamin at nagpahayag ito ng kanyang paghanga kay Coco.

“I know your intentions are pure and thank you for standing up for what you believe in,” sabi ni Locsin.

 

 

 

 

 

TAGS: ABS-CBN, calida, Coco Martin, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, calida, Coco Martin, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.