Dalawang bagong ruta ng P2P buses binuksan ng DOTr para sa mga commuter

Nagdagdag ng dalawang bagong ruta ng bus ang Department of Transportation para sa mga commuter na pumapasok na sa trabaho sa ilalim ng pag-iral ng GCQ.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DOTr, Road Sector Consultant Alberto Suansing na ang bagong ruta ay magmumula sa Angat, Bulacan at ang magmumula sa Cavite.

Ang mga bus na galing Angat ay magbababa ng pasahero sa EDSA – Quezon Avenue.

Habang ang galing naman ng Dasmarinas, Cavite ay sa PITX magbababa ng pasahero.

May mga pick up points na itinalaga sa rutang dadaanan ng mga bus.

Sa ngayon ayon sa DOTr, mayroon nang 31 rationalized routes ng P2P buses para sa Metro Manila.

Sa mga susunod na araw, inaasahan ng DOTr na mas magiging maayos na ang pagbiyahe ng mga P2P bus.

Sa ngayon kasi may mga bus pang sumasailalim sa pagsaayos para masiguro na masusunod ang physical distancing sa mga pasahero.

 

 

 

Read more...