May bus augmentation sa limang istasyon ng MRT-3 ayon sa DOTr
Mayroong mga bus na inilaan para sa mga pasahero ng MRT-3.
Ang mga bus ay nakaabang sa limang istasyon ng MRT-3 sakaling mas nais ng mga pasahero ng tren na mag-bus na lamang.
Layon nitong dagdagan ang kapasidad ng linya bilang suporta sa limited capacity na pinaiiral ngayon ng rail line.
May nakaabang na mga bus sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue, Ortigas, Ayala at Taft Avenue.
Bawat bus ay may kapasidad na magsakay ng 14-20 pasahero kada biyahe.
Mahigpit ding ipinatutupad ang mga health and safety protocols sa mga bus gaya ng physical distancing, pagsuot ng face mask, temperature check bago sumakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.