Floyd Mayweather nag-alok na bayaran ang funeral services ni George Floyd

Nag-alok ng tulong si Retired boxer Floyd Mayweather para mabayaran ang funeral services ni George Floyd.

Ayon kay Mayweather Promotions chief executive Leonard Ellerbe, tinanggap ng pamilya ni Floyd ang alok na tulong.

Una nang sinabi ng abogado ng pamilya ni Floyd na sa June 9 gagawin ang libing nito sa Houston.

Nasawi si George Floyd matapos luhuran siya sa leeg ng isang pulis sa Minneapolis.

Nagbunsod ito ng protesta sa iba’t ibang panig na ng Amerika.

 

 

 

 

Read more...