Donald Trump naglakad sa labas ng White House

By Dona Dominguez-Cargullo June 02, 2020 - 07:46 AM

Matapos ang kaniyang talumpati, lumabas ng White House si US President Donald Trump at naglakad ito sa mga lansangan na pinagdausan ng protesta.

Pero bago ang paglabas ni Trump, nagpakawala muna ng tear gas ang mga otoridad upang mapaalis ang mga nagpoprotesta malapit sa White House.

Nagtungo si Trump sa St. John’s Church na malapit sa White House.

Kabilang ang nasabing simbahan sa mga napinsala ng nagaganap na mga protesta.

Sa kaniyang pahayag, nanawagan si Trump sa mga gobernador at alkalde na i-dominate ang mga lansangan sa kanilang nasasakupan na pinagdarausan ng protesta.

Inanunsyo din ni Trump ang pagde-deploy ng libu-libong ‘heavily armed’ na tropa ng militar sa Washington.

 

 

TAGS: donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US president, us protest, Washington, donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US president, us protest, Washington

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.