Prime Minister ng Armenia at kaniyang pamilya nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Armenian Prime Minister Nikol Pashinyan at kaniyang pamilya.

Si Pashinyan mismo ang nag-anunsyo nito sa kaniyang self-recorded video na ibinahagi sa Facebook.

Sinabi ng prime minister na maliban sa kaniya, ang kaniyang asawa na si Anna Hakobyan at apat nilang anak ay pawang positibo din sa COVID-19.

Wala namang sintomas si Pashinyan at sinabing magpapatuloy siya sa pagganap ng trabaho habang nasa bahay.

Ang Armenia ay mayroon nang 9,492 na kaso ng COVID-19 kung saan 139 dito ang nasawi.

 

 

 

 

Read more...