Mahigit 600 pang Pinoy nakauwi sa bansa ayon sa DFA

By Dona Dominguez-Cargullo June 02, 2020 - 07:14 AM

Sa unang araw ng buwan ng Hunyo nakapagpauwi ang pamahalaan ng mahigit 600 Pinoy.

Unang dumating ang 330 na Filipino mula sa United Kingdom.

Sila ay pawang crew ng MV Britannia.

Mayroon ding 175 na Pinoy na dumating sa bansa mula naman sa Kuwait.

Karamihan sa kanila ay nag-avail ng pinalawig na amnesty ng Kuwaiti Government.

Habang mayroong 160 pang Pinoy na na-stranded sa Japan sa kasagsagan ng pandemic ng COVID-19 ang dumating sa bansa sakay ng chartered Cebu Pacific flight.

Lahat ng umuwing Pinoy ay sasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

 

 

 

TAGS: OFWs, Overseas Filipinos, repatriation, OFWs, Overseas Filipinos, repatriation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.