Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

Napatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Bawas na 20 centavos ang ipinatupad sa kada litro ng gasolina.

Habang may dagdag naman na 80 centavos sa kada litro ng kerosene at 25 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, June 2 ang price adjustment ng Petron, Shell, Seaoil, FLying V, Total, PTT, Chevron at Phoenix Petroleum.

Habang alas 8:01 naman ng umaga ang price adjustment ng kumpanyang Cleanfuel.

 

 

 

Read more...