Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 286

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Lunes, June 1) , nasa 286 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 5 ang bagong bilang ng nadagdag habang 133 ang active cases.

Nadagdagan 2 ang nasawi kay umabot na sa 71 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 490.

Samantala, nasa 52 ang bilang ng probable habang nasa 750 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...