BREAKING: Sunog sa isang residential area sa Mandaluyong City, itinaas na sa General Alarm

By Angellic Jordan June 01, 2020 - 09:36 PM

Itinaas na sa General Alarm ang sumiklab na sunog sa isang residential area sa Mandaluyong City, Lunes ng hapon (June 1).

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang sunog sa Block 37 Fabella Street sa Barangay Addition Hills.

Itinaas sa General Alarm ang sunog bandang 8:50 ng gabi.

Ito na ang pinakamataas na alerto sa isang insidente ng sunog.

Batay sa inisyal na ulat, mahigit 800 bahay na ang natupok ng apoy kung saan halos P2,000 pamilya ang apektado.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaapula ang sunog sa nasabing lungsod.

Inaalam pa rin ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog sa lugar.

TAGS: BFP, BFP Mandaluyong, breaking news, fire in Mandaluyong, general alarm, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sunog sa Mandaluyong, BFP, BFP Mandaluyong, breaking news, fire in Mandaluyong, general alarm, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sunog sa Mandaluyong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.