COVID-19 cases sa Maynila, umakyat na sa 1,443; 57 ang nadagdag

By Angellic Jordan June 01, 2020 - 09:23 PM

Karagdagang 57 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (June 1), umakyat na sa 1,443 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 930 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 268 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 122 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 186 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,385 ang suspected cases.

Umabot naman sa 412 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang nananatili sa 101 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 recoveries in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 recoveries in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.