Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,606 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 31.
Sa nasabing bilang, 1,172 ang aktibong kaso kung saan 218 ang asymptomatic, 952 ang mild at dalawa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 709
– Nurse – 948
– Nursing Assistant – 168
– Medical Technologist – 104
– Radiologic Technologist – 52
Nasa 324 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,402 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang May 31.
Sinabi pa ng DOH na 32 naman ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.