Sinimulan na ang pagtatayo ng housing projects na “Tondominium 1” at “Tondominium 2” sa bahagi ng Vitas sa Tondo, Maynila araw ng Lunes, June 1.
Makikita sa mga larawan ng Manila Public Information Office (PIO) na pumunta sa site sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng Build Build Manila.
Ayon kay Moreno, susunod na isasagawa ang Binondominium, pagsasaayos ng Ospital ng Maynila at rehabilitasyon ng Manila Zoo.
“Ito po ang ating pangarap para sa pamilyang Manileno, ang mabigyan po kayo ng maayos, disente at sariling tahanan,” pahayag ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.