Ayon kay Sotto, sa kanyang palagay ay mas makakabuti na ipambili na lang ng mga gamot at gamit pang-ospital ang P11.7 bilyon budget para sa pagkuha ng 130,000 contact tracers.
“It will be wiser and more practical to divert the P11.7 billion for the treatment of patients. We need funds to treat our sick kababayans. Mas mahalagang gamitin na lang ang pondong ito para sa pagbili ng mga gamot at medical equipment na makakatulong sa paggaling ng mga pasyente,” katuwiran ni Sotto.
Nangangamba ang senador na masayang ang pondo dahil gagastusin ito sa mga tao na wala namang kasanayan sa trabaho na ibibigay sa kanila.
Naniniwala ito na magiging epektibo lang ang plano ni Duque kung may sapat na pagsasanay ang mga itatalagang contact tracers.
Ngunit, aminado ang namumuno sa Senado na nasa kamay pa rin ni Pangulong Duterte ang pagpapasya sa plano ng DOH secretary.