Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 11:00 ng umaga.
Umabot naman sa 34.2 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.
Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.
MOST READ
LATEST STORIES