Heat index sa Dagupan City, pumalo sa 49 degrees Celsius, June 1
Matinding init at alinsangang panahon ang naramdaman sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, limang synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Lunes (June 1).
Pumalo sa 49 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City bandang 2:00 ng hapon.
Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 46 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga
– Butuan City – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Sangley Point, Cavite City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Science of Muñoz – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.