Nasa 229 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Lunes ng hapon (June), sa nasabing bilang ay 39 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan na umabot sa 38 cases.
Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 25
– Poblacion – 31
– Buli – 4
– Ayala Alabang – 33
– Bayanan – 14
– Alabang – 25
– Cupang – 30
– Sucat – 29
343 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 47 ang suspected cases.
Samantala, 158 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang nananatili sa 32 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.