Enrile sa mga kritiko ni Pacquiao: “Pumunta na lang kayo sa Mars!”

By Den Macaranas February 17, 2016 - 08:33 PM

Enrile LGBT
Inquirer file photo

Pinayuhan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang mga kritiko ni People’s Champ Manny Pacquiao na magpunta na lamang sa planetang Mars.

May kaugnayan ang pahayag ni Enrile sa kaliwa’t kanang batikos na kanyang tinatanggap mula sa Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community kaugnay sa same-sex relationship statement ng pambansang kamao.

Para kay Enrile, hindi rin dapat matakot si Pacman na iboycott ng LGBT community dahil malakas naman ang kanyang hatak sa masang Filipino.

Mas marami umano ang boto ng masa kumpara sa boto ng kanyang mga kritiko.

Nang tanungin si Enrile na baka siya naman ang pagbalingan ng LGBT group dahil sa kanyang pahayag,ito ang kanyang maiksing sagot, “E anong pakialam ko sa kanila kung babanatan ako. Sasabihin ko sa kanila, sira nga ulo ninyo. Anong ginagawa ninyo? Hindi naman kayo Diyos”.

TAGS: Juan Ponce Enrile, LGBT, Pacquiao, Senate, Juan Ponce Enrile, LGBT, Pacquiao, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.