Central office ng LTFRB, tatanggap na ng mga transaksyon simula June 3

Tatanggap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Central Office ng mga opisyal na transaksyon simula sa Miyerkules, June 3.

Ayon sa ahensya, mahigpit na ipatutupad ang social distancing guidelines sa tanggapan.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face masks at pag-check ng temperatura ng bawat papasok sa opisina.

Sinabi pa ng LTFRB na regular na magsasagawa ng disinfection sa tanggapan.

Pinaalalahanan naman ang publiko na tuloy pa rin ang online transactions ng ahensya.

Read more...