Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay nasa layong 207 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 3:40 ng hapon.

16 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang naidulot na pinsala ang pagyanig sa nasabing lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...