Dating Sen. Ramon Revilla Sr. nasa stable condition na

PHOTO CREDIT: Cavite Vice Governor Jolo Revilla/FACEBOOK

Nasa stable condition na si dating Senador Ramon Revilla Sr., ayon kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Ito ay ilang oras matapos ianunsiyo ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na kritikal ang kondisyon ng nakatatandang Revilla.

Sa Facebook, nagpasalamat ang Cavite Vice Governor sa lahat ng nag-aalay ng dasal para sa kaniyang lolo.

Umaasa aniya sila sa mabilis na paggaling ng kaniyang lolo.

“Let’s continue praying for one another, for our families and loved ones, as we go through this pandemic,” pahayag pa ng bise gobernador.

Matatandaang unang dinala sa St. Dominic Medical Center sa Bacoor, Cavite ang dating senador at kalaunan ay inilipat sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Read more...