Metro Manila at ilang lalawigan, uulanin sa susunod na dalawang oras
By Angellic Jordan June 01, 2020 - 01:42 PM
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa thunderstorm advisory bandang 1:08 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Zambales, Bulacan at Quezon.
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.