Master list ng mahigit 43,000 na OFWs na negatibo sa COVID-19 inilabas ng Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2020 - 12:21 PM

Naglabas ng updated na master list ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga umuwing Pinoy na nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon sa Coast Guard as of 10:14 ng umaga ng Lunes, June 1 ay 43,330 na ang mga OFW na nag-negatibo sa RT-PCR test.

Maaring makita ang master list sa link na ito https://bit.ly/2ZUT2TG

Lahat ng overseas Filipinos kabilang ang mga OFWs, Filipino seafarers, at returning Filipinos na negatibo sa test na ginawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ay makikita sa listahan.

Ang listahan ay nadagdagan pa ng 1,860 kumpara sa 41,470 noong May 30.

Kung ang pangalan ay nasa listahan, maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel na nasa quarantine facility upang maiproseso ang kanilang pag-uwi sa probinsya.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, covid test, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, negative results, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, covid test, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, negative results, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.