Mga residente ng Calaca, Batangas hiniling na bawiin ang ilang ipinatupad na paghihigpit noong kasagsagan ng ECQ
Nananawagan ang mga residente sa Calaca, Batangas kay Calaya Mayor Nash Ona na pabuksan na ang mga kanto sa kalsada ng Diokno Highway
Reklamo ng mga residente, nahihirapan silang umuwi dahil sa layo ng iniikutan.
Ayon sa mga taga-Calaca, ngayong GCQ na ang umiiral sa Batangas dapat ay huwag na silang pahirapang umikot pa ng malayo dahil malaking abala para sa kanila ang mga harang na ginawa simula nang ideklara ang enchanced community quarantine.
Hiniling din nilang atasan agad ni Mayor Ona ang chief of police ng Calaca para tanggalin na ang harang sa bawat kanto ng barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.