Limang car dealership outlets sa Metro Manila magsasara na

Nakatakdang magsara na ang limang car dealership outlets sa Metro Manila.

Sa kanilang disclosure sa Philippine Stock Exchange, isasara na ng House of Investments (HI) ang kanilang outlets sa Honda Fairview, Honda Marikina, Honda Marcos Highway, Honda Kalookan habang isasara na rin ang Isuzu Greenhills.

Epektibo ang pagsasara ng naturang mga outlet sa June 2.

Sinabi rin ng HI na bilang bahagi ng kanilang streamlining ay magpapatupad sila ng redundancy program sa kanilang mga empleyado.

 

 

 

 

Read more...