Dating Sen. Ramon Revilla Sr. kritikal pa rin ang kondisyon

FILE PHOTO

Kritikal pa din ang kondisyon ni dating Senador Ramon Revilla Sr.

Ito ay matapos isugod sa ospital si Revilla nang makaranas ng hirap sa paghinga.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Senator Ramon Revilla Jr., na under strict observation ang kaniyang ama sa susunod na 48 oras.

Hiniling nito na ipagpatuloy ang panalangin para sa kaniyang ama.

Una nang sinabi ng senador na nahirapang huminga ang kaniyang ama at nagkaroon ng pagkakataon na naging “unresponsive” ito.

Dinala ito sa St. Dominic Medical Center sa Bacoor, Cavite at kalaunan ay inilipat sa St. Luke’s Medical Center – Global City sa Taguig.

 

 

 

 

Read more...