Operasyon ng premium bus system sa NAIA sisimulan na

By Den Macaranas February 17, 2016 - 04:54 PM

MB
Mercedes Benz photo

Magsisimula na bukas ang bagong bus transport system para sa mga pasaherong magmumula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Transportation Sec. Jun Abaya na ang bagong bus service na tatawaging UBE Express ay magbibigay ng serbisyo para sa mga pasaherong papunta sa Roxas Blvd. at Makati City.

Ang nasabing premium bus service sa ilalim ng pangangasiwa ng Air21 ay magbibigay ng magandang option sa mga pasaherong madalas na mabiktima ng mga mapag-samantalang taxi drivers at operators ayon kay Abaya.

Sinabi ng naturang opisyal na P300 ang flat rate para sa nasabing bus system na magbaba ng mga pasahero sa ilang mga hotels sa Roxas Blvd. at Makati City.

Kabilang sa mga ito ang Midas Hotel, Hotel Jen at Manila Hotel para sa ruta sa kahabaan ng Roxas Blvd.

May terminal naman ang nasabing mga bus sa Glorietta 4 and 5 ganun din sa Ascott Hotel sa Makati City.

Bukod sa mga bagong Mercedes Benz buses, may libre ring wifi, on-board attendants service at CCTV ang mga bus ng UBE Express.Limitado lamang sa 24 passengers ang sakay sa bawat byahe at malaki rin ang baggage compartment ng nasabing mga bus para mas maging kumportable ang byahe.

Kapag naging fully-operational na, aabot sa kabuuang 42 units ang mga bus ng UBE Express na magbibigay ng 24-hour service sa mga pasahero mula sa NAIA Terminal 1,2 at 3.

TAGS: Air 21, Mercedes Benz, NAIA, Premium Bus, UBE Exprtess, Air 21, Mercedes Benz, NAIA, Premium Bus, UBE Exprtess

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.