Sunog sumiklab sa Makati at Pasig

Nagkaroon ng makasunod na insidente ng sunog sa Makati at sa Pasig City.

Nagsimula ang sunog sa residential area sa Kalayaan Avenue, Brgy. Pinakisahan sa Makati alas 6:49 ng umaga.

Umabot ito sa 2nd alarm bago naideklarang under control, alas 7:37 ng umaga.

Samantala, nagkaroon din ng sunog sa Santolan Base 1 sa Sta. Maria sa Pasig City.

Alas 8:04 nang itaas sa first alarm ang sunog.

Naideklara namang fire out ang sunog alas 8:29 ng umaga.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...