Commuters nahirapang makasakay sa unang araw ng GCQ sa Metro Manila
Sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa sa National Capital Region, kalbaryo ang dinanas ng mga commuter papasok sa kani-kanilang opisina.
Sa Commonwealth Avenue walang nasakyan ang mga commuter dahil hindi pa pinapayagang bumiyahe ang mga pampasaherong bus at jeep.
Tanging point-to-point buses lamang ang bumibiyahe.
Bago pa sumikat ang araw marami nang pasahero ang nag-aabang din ng masasakyan sa EDSA.
Marami rin ang naglakad na lang sa kahabaan ng Marcos Highway.
Sa LRT-1 Roosevelt Station umabot na hanggang EDSA ang pila ng mga pasahero dakong alas 7:00 ng umaga.
Ayon naman sa MRT-3 alas 7:19 ng umaga ay mayroon nang 20 tren ang operational.
17 dito ang naka-deploy na at bumibiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.