Mga tanggapan ng Comelec magbubukas na ngayong araw, pero voter registration suspendido pa rin

Bukas na rin simula ngayong araw ang mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa buong bansa.

Ayon sa Comelec, iiral ang “no-face-to-face” transactions sa kaniang mga tanggapan.

May skeleton work forces na sa lahat ng tanggapan ng Comelec.

Mayroon pa ring teleworking o Work From Home arrangement para sa mga at-risk employees ng poll body.

Ang mga transaksyon ng publiko sa Comelec ay gagawin sa pamamagitan ng liham, email, at fax.

Mananatili namang suspendido ang voter registration hanggang sa June 30.

 

 

Read more...