SC hinimok na magdesisyon na sa DQ case laban kay Poe

By Den Macaranas February 17, 2016 - 04:37 PM

Supreme court1
Inquirer file photo

Hinimok ng ilang election lawyers ang Supreme Court na maglabas na ng kanilang desisyon kaugnay sa disqualification cases ni Sen. Grace Poe ngayong tapos na ang oral arguments sa kaso.

Ipinaliwanag ni Atty. Romulo Macalintal na karapatan ng 57 milyong botante na maging maayos ang gaganaping eleksyon sa Mayo sa pamamagitan ng paglalabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato lalo na sa pagka-pangulo.

Sinabi ni Macalintal na posibleng magkaroon ng problema sa vote counting at canvassing protocols kapag hindi kaagad naglabas ng desisyon ang Supreme Court sa kaso ni Poe.

Ayon naman kay Atty. Edgardo Vista II, dapat ay minadali ng Mataas na Hukuman ang pagsasagawa ng oral arguments para madesisyunan kaagad ang disqualification cases ng mambabatas.

Kung gusustuhin ay kaya naman daw ng mga Mahistrado ng Mataas na Hukuman ang araw-araw na oral arguments.

Sa kanyang panig, sinabi ng dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines na si Atty. Vicente Joyas na hindi nila kinakitaan ng urgency ang Supreme Court sa pagtalakay sa kaso ni Poe.

Idinagdag pa ni Joyas na pwede namang hindi na nagsagawa ng oral arguments sa nasabing usapin at nagdesisyon na lamang ang Supreme Court base sa mga pleadings at mga ebidensiyang naisumite sa kanila ng mga may kinalaman sa kaso.

TAGS: comelec, IBP, Oral Arguments, poe, Supreme Court, comelec, IBP, Oral Arguments, poe, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.