Enrollment sa mga pampublikong paaralan simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2020 - 06:50 AM

Simula na ngayong araw ang enrollment para sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa Department of Education (DepEd) ‘remote enrollment’ ang iiral mula June 1 hanggang 30.

Nangangahulugan ito na hindi kinakailangang pisikal na magpunta ng mga magulang sa paaralan.

Ang mga adviser ng mga bata para sa nagdaang school year ay makikipag-ugnayan sa mga magulang sa pamamagitan sa ng text o tawag sa cellphone.

May mga enrollment focal person (EFP) din na tatanggap ng tawag at sasagot sa katanungan ng Kindergarten, transferees, Balik-Aral, at ALS learners.

Kung may katanungan tungkol sa enrollment at pagbubukas ng klase, maaari ding tumawag sa DepEd Public Assistance Command Center.

Maaari ring bisitahin ang https://deped.gov.ph/obe-be para sa iba pang katanungan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, online enrollment, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, online enrollment, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.